DAVAO CITY – Imbestigahan ngayong Martes sa Energy Committee ang series of power interruptions, na kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity.
Ayon sa Chairman ng Committee on Energy na si Senator Raffy Tulfo, ipapatawag nila ang Davao Electric Cooperative (NORDECO) na itinalagang responsable sa krisis sa enerhiya sa isla dahil sa kalumaan ng mga pasilidad nito tulad na lamang ng 43-taong -lumang submarine cable na hanggang ngayon ay hindi pa napapalitan.
Dagdag pa rito, hindi inaasahan ng Nordeco ang patuloy na pagtaas ng mga tourist arrivals dahil sa kilalang turismo nito dahilan ng pagtaas ng demand sa kuryente.
Sa pamamagitan ng imbestigasyon, mabibigyan ng solusyon ang problema sa power supply sa nabanggit na lugar at mabibigyan din ng long term solution ang madalas na pagkawala ng kuryente na tumatagal ng walong oras sa peak load at tatlong oras naman sa off peak.