-- Advertisements --
Plano ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng electric ferry system sa kahabaan ng Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake (MAPALLA).
Ayon sa DOTr na tatawagin nila itong MAPALLA Ferry System Project.
Sinabi pa ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na nakikipag-ugnayan na sila sa Public-Private Partnership (PPP) Center para masimulan na ang bagong mass transit system.
Dagdag pa nito na aabot sa P20 bilyon ang nasabing halaga ng proyekto kung saan maglalagay sila ng maraming mga ferry stations.
Igagaya ang nasabing ferry system sa Chao Phraya River Ferry System sa Bangkok, Thailand at New York Ferry System sa New York City.