-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang electrician ng subcontractor ng Globe Telecom matapos makuryente sa Bgry. Camagong, San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Glenn Oray, 35-anyos, isang electrician ng Ancient Mount Corporation (AMC) residente ng #88 San Isidro, Sucat, ParaƱaque City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na habang inaayos ng biktima ang cable lines ng nasabing kumpanya ng aksidente nitong mahawakan ang isang live wire ng CASURECO IV.

Nabatid na agad naman umanong dinala sa Partido District Hospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doctor.

Kaugnay nito isasailalim na rin umano sa Post Mortem Examination ang nasabing biktima.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.