KORONADAL CITY — Hindi na magamit sa ngayon ang mga classroom sa isang Elementary School sa bayan ng Surallah, South Cotabato matapos na masira at magkaroon ng malalaking bitak dulot ng soil erosion na resulta na rin ng ilang araw na buhos ng ulan.
Ito ang inihayag ni Mr. Jilvert Mondido, Senior Geologist -MGB-12 matapos ang isinagawang assessment sa Kiantay Elementary School sa Barangay Upper Sepaka, Surallah South Cotabato matapos na magkabitak-bitak at nasira ang kanilang mga silid-aralan dulot ng soil erosion na dala ng ilang araw na pagbuhos ng ulan sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Mondido possible umanong dahil sa deposito ng coal sa ilalim ng lupa dahilan ng paglabas ng malalaking tension cracks sa nabanggit na paaralan.
Dahil umano sa coal sa ilalim ng layer ng lupa ay gumagalaw ang lupat lalo na kung nalalagyan ng tubig
Sa ngayon total evacuation at relocation hindi lamang sa nabanggit na paaralan kundi maging sa mga pamamahay na nakatira malapit sa lugar dahil sa malaking posibilidad na mangyari ang landslide.
Una rito, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis(RDNA) ang MDRRMO-Surallah kasama ang Enineering Office at napag-alaman na unsafe for inhibitation ang nasabing area.