-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang guro sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Regina Cortez,46 anyos,may asawa,elementary teacher at residente ng Sitio Barte Barangay Capayuran Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Andres Sumugat na lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo ang biktima sa bahagi ng national highway Barangay Tubon Pigcawayan Cotabato ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.

Agad namang nagresponde si Pigcawayan Mayor Juanito”Toto”Agustin kasama ang pulisya at mga kasapi ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dinala ang biktima sa pagamutan ngunit binawian ito ng buhay.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod ang biktima.

Tukoy na ang mga person of interest ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima at patuloy nilang iniimbestigahan.