-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hindi inakala ng mga elementary teachers ni Rabiya Mateo na masusungkit nito ang titulong Ms. Universe Philippines 2020.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Phoebe Tolentino, grade 5 adviser ni Rabiya sa Balasan Cental Elementary School sa bayan ng Balasan Iloilo, sinabi nito na mahiyain at iyakin si Rabiya.
Ayo kay Tolentino, noong elementary pa lang, litaw na ang angking ganda ni Rabiya kung saan isa siya sa head turner na sa kanilang paaralan.
Magalang umano na estudyante si Rabiya kung saan maging ang mga magulang ng kanyang kaklase ay kinakaibigan niya.
Pinagmamalaki naman anya ng kanilang paaralan ang nakamit na tagumpay ni Rabiya na naging inspirasyon sa kanilang mga mag-aaraal.