-- Advertisements --

Tinanghal na best actor sa 17th Asian Film Festival sa Rome ang actor na si Elijah Canlas.

Ito ay dahil sa pagganap nito sa pelikulang “Kalel, 15”.

Ang nasabing pelikula ay gawa ng The IdeaFirst Company na tumatalakay sa buhay ng mga kabataan.

Humanga sa galing ni Canlas ang direktor ng pelikula na si June Robles.

Pinasalamatan naman ng actor ang mga nasa likod ng pelikula dahil sa tagumpay nitong nakamit.