CENTRAL MINDANAO-Sumuko ang isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at labing isang mga tauhan nya sa Joint Task Force Central sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng BIFF-Karialan faction.
Sumuko ang 12 BIFF sa tropa ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lt/Colonel Charlie Banaag sa Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.
Pormal namang tinanggap ni Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi ang mga rebelde.
Dala ng 12 BIFF sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,mga pampasabog,mga bala at mga magasin.
Nakatanggap naman ng paunang tulong ang mga rebelde mula sa LGU-Shariff Saydona Mustapha sa pangunguna ni Mayor Datu Sajid Andre Ampatuan.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy ang 6th IB at LGU-Shariff Saydona Mustapha sa matagumpay na pagsuko ng mga rebelde.
Hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF na sumuko na at siguradong tutulungan sila sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.