Elite force ng AFP posibleng i-deploy sa mga lugar na tinukoy sa Memo 32
Pinag-aaralan na ngayon ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pag-deploy ng kanilang elite force sa mga lugar na tinukoy sa Memorandum 32 ng Malacañang.
Ayon kay Defense Secrteray Delfin Lorezana, kanila pang pinag-uusapan ang posibleng deployment ng kanilang mga Special Forces at Scout Ranger ng Philippine Army.
Sinabi ni Lorenzana, sa ngayon wala pa silang nakikitang pangangailangan na magpadala ng dagdag na tropa sa Bicol Region, Samar, Negros Oriental at Negros Occidental.
Sinabi ng kalihim na ang gagawin lamang ngayon ng mga ground commanders na may sakop sa mga nabanggit na lugar ay mag-realign ng kanilang mga puwersa at i-deploy sa mga delikadong lugar ang mga sundalo.
“Yung mga command mag realign lang sila ng forces nila dun muna sila sa mga medyo delikado saka medyo vulnerable mga tao, hindi muna siguro tayo magdragdag ng mga marami dun na sila sa mga regions mag realign ng mga forces,” pahayag ni Lorenzana.
Sa kabilang dako, ayon naman kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato, ang mga sunud-sunod na karahasan at mga atrocities na ginagawa ng komunistang New People’s Army (NPA) ang naging dahilan kung bakit inilabaa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Memorandum 32.
Sinabi ni Detoyato na mahalaga ang presensiya ng mga tropa sa mga nasabing lugar para mapigilan ang ano mang karahasan na binabalak ilunsad ng mga komunistang NPA.
Nilinaw naman ni Detoyato na hindi nakapaloob sa Memo 32 ang pagsuspende ng political at civil rights.
Giit nito na pinag iingat ang militar at pulisya sa paglabag sa civil rights.
Walang kinalaman ang martial law sa inilabas na memorandum ng Pangulo.
“Hindi po, ang mga rumor mongerer ng martial law ay sila po ang maapektuhan nito, kaya hindi na sila makakagalaw ng malaya at machecheck natin ang lahat ng activities nila, alam nyo po ang mga lawless elements lang naman ang takot sa mga presensya ng ating mga ano e, mga law enforcers,” pahayag ni Detoyato.
T