-- Advertisements --
Nakatakdang magtungo sa The Hague, Netherlands ang dating maybahay ni ex-president Rodrigo Duterte na si Elizabeth Zimmerman.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte, na desidido ang ina nito na magtungo.
Hindi aniya nito inalintana ang ina kung papayagan siyang makapasok o hindi sa pasilidad ng International Criminal Court.
Hindi naman tiyak ng bise presidente kung makakakuha ng visas ang mga kapatidnito para sa planong pagtitipon ng mga suporters ng ama sa darating na Marso 23 bago ang 80th kaarawan ng ama sa Marso 28.