-- Advertisements --
Nanumpa na bilang bagong national director ng Bureau of Fisheries and Natural Resources (BFAR) si Elizer Salilig.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang panunumpa ni Salilig.
Si Salilig ay naging regional director ng BFAR Mimaropa mula pa noong 2016.
Mayroon itong 34-taon an karanasan sa fisheries management kung saan nagsimula ito bilang fisheries technician ng Department of Agriculture sa Soccksargen.
Tiwala ang kalihim na magagampan ni Salilig ang kaniyang trabaho dahil sa mga pinagdaanang mga karanasan nito sa ahensiya.
Ayon naman kay Salilig na gagawin niya ang kaniyang makakaya para mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa.