-- Advertisements --

No regrets at katunayan ay proud si Ellen Adarna kung maraming bagay man ang hindi na niya nagagawa sa kasalukuyan.

Pahayag ito ng 33-year-old actress sa gitna ng kaliwa’t kanang pagpuna ng ilang netizen na puro family photos na raw ang laman ng kanyang online posts, gayundin na tila paulit ulit na umano ang mga inirarampang swimsuit.

Pag-amin ng misis ng aktor na si Derek Ramsay, talagang malayo ito sa dati niyang “party girl” image at minsan pang nabansangan bilang sex symbol, dahil mayroon na siyang anak kaya hindi na puwede ang pakawala.

Ayon kay Adarna, dapat ay akma na sa motherhood kahit ang simpleng mga bikini lalo’t bigla na lang mandadakma ang kanyang three year old son sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Pasensya na aniya sa mga apektado ng kanyang pagtapon sa “hubadera” image, pero wala na rin daw kasi siyang pakialam kung laylay na ang kanyang dibdib bunsod ng breastfeeding.

“My son has this habit of grabbing boobies out of nowhere so I make sure and secure them that they don’t just pop out easily esp when im around my super physically active family.

As much as id want to be a hubadera and wear all kinds of bikini top unfortunately, not all bikini top cuts and style look good on me anymore because of my sagging breasts due to breastfeeding.

So… sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly,” bahagi ng pahayag ni Adarna.

Nito lamang November 2021 nang ikinasal sina Derek at Ellen, at ipinagdiwang ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan nitong unang weekend ng “love month.”

Una nang nalagay sa hot seat ang noo’y bagong usbong na pagtitinginan ng dalawa dahil kilala raw si Ramsay sa papalit-palit ng girlfriend.

Bago kasi kay Ellen, huling naka-relasyon nito ang naka-love team na si Andrea Torres, at ang iba pa mula sa showbiz na sina Cristine Reyes, Solenn Heussaff, at longtime relationships sa aktres na si Angelica Panganiban gayundin sa wellness speaker na si Joanne Villablanca.

Tulad ni Adarna, mayroon na ring anak ang 45-year-old actor sa unang asawa.