-- Advertisements --

Ikinasal na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Ginanap ang private wedding sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bagac, Bataan nitong hapon ng Nobyembre 11.

Pawang mga malalapit na kaanak at kaibigan lamang ang inimbitahan sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Agaw pansin din ang anak ng actress na si Elias na tumayong ring bearer ng dalawa.

Suot naman ng actress ang gown na gawa ng designer na si Mak Tumang na siyang gumawa ng lava gown ni Catriona Gray noong Miss Universe 2018.

Noong Pebrero 26 ng umamin ang dalawa sa kanilang relasyon dahil sa magkapitbahay sila sa isang exclusive village sa Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Naging normal lamang daw umano ang relasyon ng 44-anyos na actor sa 33-anyos na actress.