-- Advertisements --

Inamin na ng sexy actress Ellen Adarna na may bago na itong karelasyon.

Sa naging panayam ni Mo Twitter sa actress sinabi nito na mayroon silang relasyon ng Spanish guy na si Carlos Lemus.

Nakabase ito sa Maynila kaya itinuturing niya ang relasyon bilang long distance relationship o LDR dahil sa ipinapatupad na lockdown.

Naging maganda aniya ang epekto ng lockdown sa kaniya dahil may panahon siya sa anak niya sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias.
Naging tikom pa rin ang bibig ng sexy actress sa tunay na kalagayan nila ng actor.

Magugunitang pumutok ang balitang relasyon ng dalawa noong 2017.