-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Derek Ramsay ang panganganak ng asawa nitong Ellen Adarna.

Sa social media account ng actor ay nagbahagi ito ng mga larawan na bagong silang na anak nila.

Makikita rin sa nasabing social media post na habang karga ng actress ang bagong silang na anak ay katabi nito ang panganay na anak ng actress na si Elias Modesto.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang actor sa panganganak ng asawa nito.

Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kasamahan nila sa showbiz.