-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress na si Ellen Adarna kung bakit sinekreto nito ang kaniyang pagbubuntis at hindi isinapubliko.

Sinabi nito na minabuti niyang magig pribado at hindi na isapubliko ang pagbubuntis dahil sa nais niya ang mapayapa at tahimik na pagbubuntis.

Tanging mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang niya ang nakakaalam ng kaniyang pagbubuntis.

Ayaw din nitong makakuha ng anumang mga payo mula sa hindi naman niya kakilala.

Magugunitang inanunsiyo ng actor na si Derek Ramsay ang panganganak ng asawa noong nakaraang linggo.