-- Advertisements --

Emosyonal na ibinahagi ng actor na si Derek Ramsay na nakunan ang asawang si Ellen Adarna habang sila ay nasa Spain.

Sinabi nito na nalaman niya na buntis ang asawa noong sila ay nasa Spain subalit hindi nagtagumpay.

Napatunayan lamang aniya ng actor na hindi ito baog kaya susubukan muli nilang gumawa ng bata sa susunod na taon.

Nais ng dalawa na magkaroon ng anak na babae dahil sa kapwa may anak na ang dalawa na pawang lalaki sa mga nagdaang relasyon nila.

Magugunitang noong Hunyo ay ibinunyag ng actress na tumigil na ito sa paninigarilyo matapos ang 17 taon at aktibo silang mag-asawa na magkaroon ng anak.

Taong 2021 ng magsama ang dalawa at matapos ang ilang buwan ay ikinasal sila.