-- Advertisements --

Itinuloy na ang pagtungo sa Africa ng mag-asawang Ellend Adarna at Derek Ramsay.

Sa Instagram account ng actor makikita na bihis na ang mag-asawa kung saan kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias.

Makikita rin sa video na tinanong ng actor si Elias kung ano ang nais niyang maktia at sinabing nais niyang makakita ng lion at hippopotamus.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong nakaraang taon at plano nilang mag-honeymoon sa Africa noong Enero subalit dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron variant doon ay kanila itong ipinagpaliban.

Magugunitang noong Pebrero 2021 ng ibunyag ng dalawa ang kanilang relasyon at matapos ang isang buwan ay engaged na sila.

Ikinasal ang dalawa sa Bataan noong Nobyembre 11, 2021.