-- Advertisements --

“Road to recovery” na si Ellen DeGeneres, isang linggo matapos aminin sa publiko na tinamaan siya ng Coronavirus Disease (COVID).

Sa sariling video nito, inihayag ng 62-year-old American talk show host na matinding back pain o pananakit ng likod ang kanyang naranasan at hindi inasahang sintomas na pala iyon ng COVID.

Sa ngayon aniya ay “100 percent feeling fine” na siya at inabisuhan ang mga nakahalubilo na sumunod din sa guidelines ng kanilang Centers for Disease Control.

“One thing that they don’t tell you is you get, somehow, excruciating back pain. Didn’t know that was a symptom, but I talked to some other people — back pain. Who knew? How come? Back pain. Bad,” saad nito sa kanyang Twitter video.

Noong nakaraang linggo lang ay sinorpesa ni Ellen ang isang Filipino nurse sa California after matapos bigyan ng brand new car.

Paraan ito ng award-winning TV host para bigyang-pugay ang mga frontline workers, isa rito si si Flor Roz, na nag-aalaga sa mga pasyente na mayroong COVID.

Kung maaalala, siya rin ang isa sa naging susi ng pagsikat naman ng Pinay singing sensation na si Charice Pempengco na ngayon ay kilala na bilang si Jake Zyrus matapos maging guest sa Ellen DeGeneres’ show noong 2007.