Nakabalik sa unang puwesto ng pinakamayamang tao sa buong mundo si Tesla CEO Elon Musk.
Nabawi nito ang puwesto mula kay Bernard Arnault ang CEO ng French luxury brand na LVMH.
Noong Disyembre kasi ay nasa unang puwesto sa pinakamayamang tao sa buong mundo ng Bloomberg si Arnault.
Mayroong kabuuang yaman si Musk na $187.1 billion habang mayroong $185.3 bilyon si Arnault.
Isa sa dahilan ng paglago ng yaman ni Musk ay ang pagtaas ng bilang ng mga bumili ng mga electric vehicle ngayong taon.
Maaring si Musk ang pinakamayamang taon sa buong mundo pero siya rin ang may hawak na record na pagkalugi sa kasaysayan.
Noong nakaraang taon kasi ay siya ang unang tao na nalugi ng $200 bilyon ng yaman matapos na bumagsak ang kaniyang net worth na mula $340 bilyon noong Nobyembre 2021 at naging $137 bilion na lamang noong Disyembre 2022.