-- Advertisements --
ibinenta ni Tesla chief executive Elon Musk ang nasa $5 bilyon ng kaniyang shares sa electric carmaker.
Ang nasabing hakbang ay isinagawa isang araw matapos tanungin nito ang kaniyang 63 milyon followers sa Twitter kung ibebenta ba niya ang kaniyang 10% ng shares nito sa Tesla.
Matapos ang dalawang ng isagawa nito ang pagtatanong sa mga fans na pumabor sa pagbenta nito ng shares ay bumagsak ng 16% ang shares ng kumpanya.
Tinatayang nasa $1 trillion ang market value ng Tesla kung saan halos 3.6 milyon shares dito ang naibenta ni Musk.
Sinabi ni Musk na hindi siya binabayaran ng cash ng Tesla at tanging mayroon siya ay stock kaya ang tanging paraan niya para makapagbayad ng mga buwis ay magbenta ng stocks.