Ibinunyag ni SpaceX CEO Elon Mush ang pinaka-bagong misyon ng kaniyang kumpanya pagdating sa mura ngunit high-speed internet sa lahat ng consumers saan mang lupalop ng mundo.
Mayroon na ring lokasyon ang konektado sa naturang network tulad na lamang ng bahay ni Musk maging ang cockpits ng ilang Air Force jets.
Parte ito ng early testing para sa 60 broadband-beaming satellites at dalawang demo devices na inilunsad ng SpaceX sa orbit.
Nais din ng kumpanya na mag-operate ng libo-libong satellites na iikot sa paligid ng planet Earth. “Starlink” ang tawag sa proyektong ito at kung sakali raw na maging matagumpay ay ito ang babago sa landscape ng telecom industry.
Magdadala rin ito ng bilyon-bilyong dolyar para sa SpaceX sa oras na mahigitan nito ang mga kasalukuyang internet providers.
Noong Mayo, 60 satellites ang inilunsad ng SpaceX’s Falcon 9 rockets. Plano rin ng SpaceX sa susunod na taon na magsagawa pa ng 24 Starlink launches kung saan kada isa ay mayroong 60 satellites.