-- Advertisements --

Itinalaga ni US President-elect Donald Trump ang tech tycoon at billionaire na si Elon Musk para pangunahan ang bagong Department of Government Efficiency.

Sa isang statement, kinumpirma ni Trump ang pagpatatalaga niya kay Musk.

Sa ilalim ng bagong departamento, magbibigay ito ng payo at gabay sa labas ng gobyerno, ibig sabihin hindi ito uupo sa formal federal government structures.

Ang tungkulin ng bagong organisasyon ay para i-dismantle ang burukrasiya sa gobyerno at tapyasan ang spending.

Makikipag-partner din ang organisasyon sa White house at sa pre-existing na Office of Management & Budget para palakasin ang malakihang structural reform.

Kasama naman ni Musk na mamamahala sa naturang organisasyon ang dating Republican primary candidate na si Vivek Ramaswamy.

In-appoint din ni Trump si Pete Hegseth, Fox news host at combat veteran para maging Defense Secretary at si John Ratcliffe bilang kaniyang director of national defense.