-- Advertisements --
elon musk

Ang boss ng Tesla Inc na si Elon Musk ang nagsabi na siya ang magsisilbing punong ehekutibo ng Twitter, ang kumpanya ng social media na binili niya lamang sa halagang $44 bilyon.

Si Musk, na nagpapatakbo rin ng rocket company na SpaceX, brain-chip startup na Neuralink at tunneling firm na Boring Company, ay sinibak ang dating pinuno ng Twitter, Parag Agrawal, at iba pang nangungunang opisyal ng kumpanya noong nakaraang linggo.

Nauna nang binago ni Musk ang kanyang Twitter bio sa “Chief Twit” na nagpahiwatig sa kanyang nakaplanong paglipat.

Napag-alaman na tumanggi ang Twitter na magkomento sa kung gaano katagal maaaring manatiling CEO o magtalaga si Musk ng iba.

Nauna na rin inihayag ni Musk na siya ang maging nag-iisang direktor ng Twitter bilang resulta ng kaniyang pag take over.