-- Advertisements --

Magpapamigay ng tig-$1- milyong bilyonaryong si Elon Musk sa supporters ni dating US President Donald Trump.

Sinabi nito na araw-araw hanggang sa halalan ay magpapamigay ito ng tig-$1-milyon sa mga mapalad na mabubunot ang pangalan.

Kailangan lamang aniya nila na pumirma sa kaniyang online petition.

Mayroon ng isang nanalo sa dumalo ng America PAC event sa Harrisburg, Pennsylvania.

Sinimulan ni Musk ang PAC na isang political action organization bilang pagsuporta sa kampanya ni Trump sa pagtakbo sa pagkapangulo.