-- Advertisements --

Binalaan nina Elton John at Paul McCartney ang United Kingdom governement na dapat protektahan ang mga creative artist mula sa Artificial Intelligence.

Kasunod ito sa naging pahayag ni British Prime Minister Keir Starmer na kanilang inaayos na ang batas na payagan ang AI developers na gumamit ng creator’s content sa online.

Sa nasabing pagbabago ay gagamitin na lamang ng mga technology companies ang mga materyales na available sa online ng hindi iginagalang ang copyright.

Sinabi ni Elton John na ang hakbang ay banta sa mga batang singers na kumita dahil sinasakop na ito ng AI.