-- Advertisements --

Ibinebenta na ng singer na si Elton John ang ilang mga damit nito.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng larawan kung saan maaring makabili ang mga fans nito ng mga damit niya.

Inilagay niya ang nasabing bentahan sa e-bay.

Lahat aniya na malilikom o ang mga pinagbentahan ay mapupunta sa kaniyang Elton John AIDS Foundation na kaniyang itinayo mula pa noong 1992.

Nagsimula ang 10-day auction nitong Huwebes.