-- Advertisements --

Napili ang beteranong singer na si Elton John bilang Icon of the Year ng TIME Magazine ngayong taon.

Inanunsiyo ito ng American magazine kasabay ng posting sa kanilang social media account ng larawan ng singer.

Ayon sa TIME na sa mahigit na 60 taon ng singer at actor ay hindi matatawaran ang naging ambag nito sa mga pelikula at awitin.

Umabot sa 57 ang kanta nito na pumasok sa US Top 40 hits mula noong ito ay nagsisimula pa sa pagkanta.

Bukod pa dito ay ang pagkapanalo niya ng dalawang Oscars at ang paggawa ng mga kanta sa mga Disney Movies.

Nagsimulang sumikat ang singer noong 1970 kung saan nagsagawa ito ng farewell tour mula 2018 hanggang 2023.

Magugunitang ibinunyag ng singer na hindi na ito nakakakit dahil sa pagkakaroon niya ng impeksyon sa mata.

Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay ang “Your Song” , “Goodbye Yellow Brick Road”, “Rocket Man”, at maraming iba pa.