-- Advertisements --
Nilinaw ni Eraserhead vocalist Ely Buendia ang maling pananaw ng mga fans ukol sa kanilang kantang “Spolarium”.
Mula kasi pumatok ang kanta ay inakala ng publiko na ang nasabing kanta ay para kina Tito, Vic and Joey at ang namayapang sexy star na si Pepsi Paloma.
Sinabi ni Buendia na itinuturing niyang bayani ang TVJ kaya hindi ito gagawa ng kanta para masira sila.
Giit nito na ang nasabing kanta ay ang pagiging lasing na kung ano-ano ang pumapasok sa isip.
Taong 2021 pa ng nilinaw nito sa isang interview na ang nasabing kanta ay hindi sa TVJ.