Idineklara ng European Medicines Agency (EMA) na ligtas na gamitin ang COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford-AstraZeneca.
Sinabi ni EMA executive director Emer Cooke na wala silang nakitang anumang sangkap na nagdudulot ng blood-clotting mula sa nasabing bakuna.
Maaring mayroong blood clot history daw ang ilang mga naturukan ng nasabing bakuna.
Hindi rin daw maiuugnay na nagdudulot ng thromboembolic events o blood clots ang AstraZeneca.
“I want to reiterate that our scientific position is this: this vaccine is a safe and effective option to protect citizens against Covid-19,” ani Cooke sa isang press conference. “It demonstrated that at least 60% efficacy in clinical trials and preventing coronavirus disease, and in fact the real world evidence suggests that the effectiveness could be even higher than that.”
Ang nasabing desisyon ng ahensya ay inilabas matapos na itigil ng maraming bansa sa Europa ang paggamit ng bakuna dahil nagdudulot umano ito ng blood clot sa ilang mga pasyente.