-- Advertisements --
Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Italya ang mga Pilipino na mag-ingat sa heat wave dahil sa labis na init ng panahon na kanilang nararanasan.
Sa inilabas na abiso ng Italian Ministry of Health na ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan pumapalo sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura.
Ang nasabing temperatura ay maaring tumagal pa ng ilang araw.
Dahil sa nasabing kalagayan ay pinayuhan nila ang mga may edad ganun din ang mga buntis at mga bata na huwag magbabad sa labas at ugaliing uminom ng tubig.
Sa pagtaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong halos 200,000 na mga overseas Filipino sa Italya.