Patuloy ang ginagawang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagpapauwi ng 14 Filipinos na nananatili pa rin Gaza Strip kung saan tumitindi ang labanan sa pagitan ng Hamas at Israeli forces.
Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na tumutulong na rin ang mga Philippine Embassies sa Cairo at Tel Aviv para mapauwi ang mga ito.
Isa sa mga Filipino na nandoon ay ang madre na nasa Gaza City.
Sinabi pa ni Santos na kanilang tinatawagan na ang madre subalit hindi ito sumasagot.
Mula pa ng sumiklab ang gulo noong Oktubre 7, 2023 ay hindi sila tumigil na makipag-ugnayan sa 14 na Pinoy na nasa Gaza.
Ang mga ito ay hindi sumama sa naunang 122 Filipinos na nakauwi na sa bansa dahil sa ayaw nilang iwan ang kanilang mga Palestinong magulang at kamag-anak.
Pagtitiyak ni Santos na patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa kalagayan ng nasabing mga Filipino doon.