-- Advertisements --

Pinayuhan na ng Philippine Embassy sa United Kingdom ang mga overseas Filipino doon na maging maingat dahil sa nagaganap na riots at kaguluhan sa iba’t-ibang lungsod doon.

Ayon sa advisory ng embahada na dapat maging mapagmatyag ang mga Filipinos doon at sundin ang mga kautusan ng gobyerno doon para sa kanilang kaligtasan.

Nagsimula ang nasabing kaguluhan dahil sa pagkasawi ng tatlong batang babae matapos na sila ay pagsasaksakin.

Kinondina na ni British Prime Minister Keir Starmer ang insidente at sinabing ginagawa nila ang lahat ng paraan para hindi na lumala pa ng kaguluhan sa mga lugar ng Liverpool, Bristol at Manchester.