-- Advertisements --
image 168

Nagpaabot ngayong ng pakikiramay ang embahada ng Israel sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs hinggil sa dalawang Pilipino na namatay dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Palestine.

Sa pahayag ng Embahada ng Israel sa Pilipinas, mariin nitong kinokondena ang anumang gawaing pang terorismo.

Bukod dito at hangad rin nila na sana ay matapos na ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpaabot naman ng panalangin ang Israeli Embassy upang matagpuan na ang ilang Pinoy na naiulat na nawawala.