Patuloy na inaabisuhan ng Embahada ng Pilipinas na nakabase sa Tel Aviv ang mga Pilipino sa Israel na maging alerto matapos na maglunsad ng retaliatory attack ang Iran.
Sa isang advisory, pinayuhan ng embahada ang mga Pilipino na iwasan ang pagbiyahe sa Jeusalem at sa mga sikat na destinasyon gaya ng Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road at East Jerusalem.
Inaabisuhan din ang mga Pilipino na ipagpaliban muna ang mga planong pagbiyahe sa West Bank, malapit sa border sa Lebanon at Golan Heights.
Hinimok din ng Embahada ang mga Pinoy na iwasan ang matataong lugar at sundin ang mga instruction ng Israel Defense Forces at Home Front Command.
Samantala, base sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) aabot sa 30,000 Pilipino ang nasa Israel habang mayroong 2,000 naman ang nasa Iran.