Nakakatanggap na rin ng “hate emails” ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing mula sa mga anonymous citizens ng China.
Ito ang iniulat ni consul general Arnel Talisayon sa ginanap na Commission on Appointments hearing na pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa gitna pa rin ng mga isyu sa WPS.
Gayunpaman ay nilinaw naman ni Talisayon na sa kabila nito ay wala pa naman aniya silang natatanggap na anumang ulat hinggil sa anumang uri ng mga insidente ng pangha-harass sa ating mga kababayan na kasalukuyang naninirahan ngayon sa China.
Kaugnay nito ay iniulat din niya na madalas na rin ang pakikipagpulong ng Chinese Foreign Ministry officials sa kanila ngunit nananatili naman aniyang propesyunal ang mga ito.
Bukod dito ay hindi naman aniya ginagambala ng China ang Embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.