Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang publiko ukol sa pagpapalawig pa ng Israeli government sa pilot period para sa Electronic Travel Authorization for Israel (ETA-IL) system nito.
Unang nagsimula ang pilot program noong June 1, 2024 at magpapatuloy pa ito ng limang karagdagang buwan o hanggang sa katapusan ng 2024.
Dagdag pa ng embahada, simula January 1, 2025 ang lahat ng nationals na may visa-exempt countries, gaya ng Pilipinas ay kinakailangan nang kumuha ng ETA-IL approval bago makapunta ng Israel.
Maaari namang makakuha ng ETA-IL System sa link na israel-entry.piba.gov.il
Kapag naaprubahan ito, maaari umanong manatili o tumira sa Israel ang mga may hawak nito sa loob ng 90 araw.
Sa kabila nito, pinapayuhan naman ng embahada ng Pilipino na hangga’t-maaari ay ipagpaliban muna ang pagbibiyahe papuntang Israel lalo na kung hindi gaanong mahalaga ang sadya, dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.