-- Advertisements --

Maglalaan ang Embahada ng Pilipinas ng isang sitting room sa chancery nito para sa bukod-tanging Pilipinong hukom na maupo sa International Court of Justice (ICJ) bilang parangal.

Sa isang statement, sinabi ng DFA na ang naturang sitting room ay ipapangalan kay Chief Justice Cesar Bengzon na nagsilbi bilang ICJ judge mula noong 1967 hnaggang 1976.

Ayon sa DFA ang naturang event na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Society of International Law, ay magiging isang milestone para sa international law community dahil dadalo sa seremonya ang ilang kilalang international na legal luminaries, kabilang ang kasalukuyang mga hukom ng ICJ.

Ito ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng Pilipinas sa international legal syytem sa pamamagitan ni Judge Bengzon at ng iba pang outstanding Filipinos sa naturang larangan.

Ang inauguration ceremony para sa ICJ Judge Cesar Bengzon Hall ay gaganapin sa July 19.

Liban pa kay Bengzon, paparangalan din ng Embahada sina Justice Florentino Feliciano, Senior Associate Justice of the SC of the Philippines (1994 to 1995) at founding member at noon President of the Appellate Body of the World Trade Organization (1995 to 2001) at Judge Raul C. Pangalangan, Judge of the International Criminal Court (2015 to 2021) sa isasagawang seremoniya.

Inaasahan na magbibigy din ng video message sa assembly si Philippine SC chief Justice Alexander Gesmundo.

Top