Wala pang natatanggap na extradition request ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos para sa kontrobersyal na religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Kung maaalala, si Quiboloy ay wanted sa US Federal Bureau of Investigation para sa kasong sex trafficking.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, maaraing maglabas ng naturang kautusan ang US laban sa Pastor ngunit sa ngayon ay wala pa ito.
Maaari din aniya ang US Embassy sa Maynila ang siyang magsumite ng request sa Department of Justice.
Si Quiboloy na lider ng Kingdom of Jesus Christ na nakitaan ng probable cause ng federal grand jury sa US District Court for the Central District of California para sa umano’y pakikipag-sabwatan para sa sapilitang sex trafficking, fraud and coercion, sex trafficking of children at iba pang reklamo.
Naglagay na rin noong 2022 ng mga posters ang FBI ni Quiboloy kabilang ang dalawa pang kapwa akusado nito na kinilalang si Teresita Tolibas Dandan and Helen Panilag.
Patuloy namang itinatanggi ng kampo ni Quiboloy ang mga paratang laban sa kanya at sinabing plano talaga ng gobyerno na patahimikin siya.
Wala namang patid ang mga otoridad sa Pilipinas sa kanilang manhunt operation laban sa pastor.