-- Advertisements --
Kinumpirma ng pamunuan ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na sarado ang kanilang tanggapan sa Christmas Eve o December 24.
Ito ay batay na rin sa utos ng White House partikular na ni US President Joe Biden.
Batay sa kautusan ng White House , suspendido ang scheduled visa interviews kabilang na ang routine American Citizens Services (ACS) appointments sa naturang araw.
Mananatili namang bukas ang offsite Visa Application Center sa December 24 para sa mga aplikante na naka skedyul para sa photo at fingerprint collection.
Hinikayat ng embahada ang mga visa applicants na ugaliing i-check ang kanilang mga registered emails para sa bagong schedule at kaukulang mga instructions.