-- Advertisements --

Aware umano ang Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas sa balita at posibilidad na maaaring patay na ang American vlogger na si Elliot Eastman.

Ayon sa embahada, nakikipag ugnayan sila ngayon sa Philippine National Police para sa iba pang mahahalagang impormasyon.

Maalalang kinidnapped si Eastman sa Zamboanga del Norte ng mga umano’y miyembro ng Abu Sayyaf noong buwan ng Oktubre.

Una nang sinabi ng PNP na maaaring patay na ang vlogger batay na rin sa salaysay ng kanilang mga hawak na suspect.

Nagtamo umano ang vlogger ng tama ng bala sa kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang komento ang US embassy hinggil sa naturang usapin.