-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Philippine Embassy sa Beirut, Lebanon sa mga Filipino doon na lumikas na.
Kasunod ito sa patuloy na pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Base sa naging panawagan ng embahada na dapat samantalahin ng mga Pinoy na makauwi habang bukas pa ang mga paliparan.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling nasa Alert Level 3 (voluntary repatriation) ang Lebanon.
Magugunitang maraming mga Hezbollah fighter ang nasawi dahil sa naganap na pagsabog ng mga pagers at 2-way radio na ang itinurong nasa likod nito ay ang mga Israel.