Kinundena ng Chinese Embassy ang pagtatangka ng ilang grupo na sirain ang umano ang relasyon ng Pilipinas at kanilang bansa sa iba’t-ibang paraan.
Reaksyon ito ng embahada na nalathala sa South China Morning Post, matapos ang mga kritisismo sa kontrobersyal na mga larawang kumalat sa internet na nagpapakita na may limang nagbebenta ng watawat ng China sa harap mismo ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Manila.
Sinasabing may nagbayad sa ‘flag vendors’ para lamang ipagbili ang maraming Chinese flag na ibinagsak nitong nakalipas na weekend.
Batay sa batas ng Pilipinas, ipinagbabawal ang pamamahagi ng foreign flags sa mga pampublikong lugar, lalo na sa mga parke, tulad ng Luneta.
Pero sa sariling pag-iimbestiga ng embassy officials, lumabas din ang anggulong ginawa ang pamamahagi ng Chinese flags dahil sa friendship day ng ating bansa at ng Beijing.
Samantala, para kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., kung ang naturang pangyayari ay dahil sa anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, wala na ritong dapat na pag-usapan.
Nagdulot kasi ng ingay ang pangyayari dahil nataon ito sa paghahanda sa 121st Philippine Independence Day.