Bibigyang pagkilala ng Embahada ng Ireland sa Pilipinas ang Pinoy nurse na si Leo Ralph Villamayor para sa kabayanihan na ipinamalas nito na sumagip sa buhay ng isa sa mga biktima ng stabbing incident sa Dublin, Ireland.
Nangyari ang insidente noong Nobyembre 23 nang umatake ang suspek na Algerian national sa Parnell Square.
Ayon sa Pinoy nurse na si Vilamayor, nangyari ang insidente habang papunta ito sa kanyang graduation.
Nang makita niyang nawalan ng malay ang isa sa mga batang babae na biktima agad nitong tinulungan at nilapatan ng paunang lunas at nagpakilala itong nurse dahil binabalewala lamang siya at tinutulak noong una.
Hindi din aniya naging madali dahil noong mga panahong iyon ay naging magulo ang sitwasyon, napakaingay at maraming tao.
Sinabi din ng Pinoy nurse na ginawa niya kung ano ang nararapat para matulungan ang biktima.
Kung kayat ngayon ay tinagurian ito ngayong bayani sa Dublin, Ireland.
Nakatakda namang bumalik sa Pinas si Villamayor ngayong linggo para bisitahin ang kanyang pamilya na hindi niya nakasama sa pasko sa nakalipas na 8 taon.
Samantala, ayon sa Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) nakontak na nila si Villamayor at pinaplano nilang i-welcome siya sa kanyang pagdating sa bansa. – EVERLY RICO