-- Advertisements --

Inaasahang aabutin ng 10 araw na hindi makakalaro ang star player ng Philadelphia sixers na si Joel embiid matapos na magpositibo sa COVID-19.

Si Embiid ang ika-apat na player ng 76ers na inilagay sa health and safety protocols kung saan nauna nang nasa isolation din ang forward na si Tobias Harris ang dalawang guards na si Matisse Thybulle at Isaiah Joe.

Ngayong araw ay hindi na rin makakalaro si Embiid kontra sa Blazers at sa susunod na apat pang games.

Ang kanilang team na Sixers ay kabilang pa naman sa isa sa leading team sa Eastern Conference.

Si Embiid na isa sa dating kandidato sa NBA MVP ay nag-a-average ng 21 points at 9 rebounds.

Ang pamamayagpag ng Philadelphia ay sa kabila rin na hindi naglalaro ang All-Star na si Ben Simmons dahil sa kagustuhang mailipat ng ibang team.