-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayon ng Philadelphia Sixers na ang kanilang superstar center na si Joel Embiid ay wala pang kasiguraduhan kung kelan makakabalik matapos na magtamo ng injury.

Una nang dumanas ng right orbital fracture and mild concussion si Embiid sa panalo ng Sixers sa Game 6 laban sa Toronto Raptors.

Bago pa man ang injury ni Embiid iniinda na rin nito ang torn ligament sa kanyang kanan sa shooting thumb.

Ayon sa Sixers team, wala pang timetable sa kanyang pagbababalik at depende na rin ito sa kalagayan ng kanyang orbital fracture.

Sinasabing hindi maganda ang timing ng injury ni Embiid dahil magsisimula na ang Game 1 sa harapan nila sa second round laban sa number 1 sa Eastern Conference na Miami Heat.