Nagpahayag ng pagka dismaya ang mga residente ng EMBO barangays kay Makati Mayor Abby Binay dahil sa pag-abandona sa kanila.
Ito y matapos pinasara ng alkalde ang lahat ng health at mga public service facilities sa kanilang lugar.
Ayon sa residente na si Mary Grace Garcia masama ang kanilang loob sa alkalde dahil nangako sa kanila si Mayor Binay na ipaglalaban niya sila, tanong nito ano na ang nangyari.
Ang pagsasara sa mga health facilities ay kasunod ng desiyon ng Korte Suprema na ilipat ang kanilang jurisdiction sa Taguig.
Giit ni Ginang Garcia na masakit ang ginawa sa kanila lalo na sa pagsasara sa mga health centers.
Batid umano ni Mayor Binay na maraming mahihirap sa kanilang barangay na hirap pumunta ng hospital at umaasa lamang ang mga ito sa mga health centers.
Hindi na rin tinatanggap ang kanilang “yellow cards” na nagbibigay ng libreng medical service sa mga residente ng 10 EMBO barangays.
Dismayado din ang isang senior citizen dahil sa pagsasara ng mga health centers.
Aniya, pumupunta pa siya ng Taguig para sa kaniyang pangangailangan sa kalusugan.
Ang aksiyon ni Mayor Binay ay hindi akma sa sinasabing pro-poor at pro people.
Ang pagsasara sa mga health centers ay hindi lamang ang tanging isyu, pinasara din ni Binay ang Fire stations, day care centers, at covered courts sa EMBO barangays.
Una ng inihayag ni Binay na dapat itigil ni Sen. Alan Peter Cayetano pag intimidate sa mga national governemnt officials at aminin na lamang nito na hindi nagawa ng Taguig ang pagbibigay ng health services sa mga residente ng EMBO.
Ginawa ni Binay ang kaniyang pahayag kasunod ng pagsabihan ni Sen. Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa na hindi nito nagawang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng 10 EMBO barangays.
Giit ni Binay na ang problema kay Senator Alan Cayetano ay ibunton sa iba ang kanilang failure sa pagbibigay ng health services sa kanilang mga residente.