-- Advertisements --

Patay si Russian Emergencies Minister Yevgeny Zinichev sa aksidente sa kasagsagan ng training exercises sa Arctic.

Tinangka kasing iligtas ng 55-anyos ang isang lalaki na nalulunod sa Norilsk City sa Russia.

Dumadalo si si Zinichev ng interdepartmental exercises bilang bahagi ng pagprotekta sa Arctic zone.

Trabaho ni Zinichev na pangunahan ang large-scale exercises kung saan nasa lugar din ito para magsagawa ng inspeksyon sa ginagawang fire station sa lugar.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pagkamatay ng kaniyang Emergencies Minister.