BUTUAN CITY – Itinaas na sa Charlie protocol o high risk ang Emergency and Preparedness Response (EPR) ng Caraga Regional DIsaster Risk Reduction and Management Office (RDRRMC).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Office of the Civil Defense o OCD-Caraga information III Ronald Briol na dahil nasa high risk na ang ilang EPR ay nagpapadala na sila ng warnings at advisories sa lahat ng mga local government units ng rehiyon sa pamamagitan ng social media platforms.
Habang nasa red alert na rin ang kanilang Emergency Operation Center simula kaninang umaga para magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kakailanganin.
Samantala simula kahapon ay nagbigay na sila ng mga non-food items o family kits at naka-preposition na sila ngayon sa Dinagat Island at sa Surigao del Norte.
Nanawagan na rin ito sa publiko na sumunod sa anumang advisories na ipapalabas ng mga local officials upang maiiwasan ang anumang posibleng masamang mangyayari.
Handa na rin ang kanilang mga partner agencies gaya ng LGUs ,Department of Public Works and Highways at iba pa upang makakilos kaagad sakaling may mga magaganap na emerhensya.
Nagpapatuloy sa ngayon ang kanilang preparedness briefing at nasa full duty status ang lahat ng kanilang mga personahe bilang paghahanda na rin.