CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-activate ang emergency apps ng South Korean government para sa foreign workers kung sakaling lumala pa ang kalagayang-politika ng South Korea.
Kasunod ito ng isinulong ng political opposition na mayroong kontrol ng kanilang National Assembly Building na nakabase ang 300 na parliament members sa nasabing bansa.
Sa kuwento ni Bombo International News Correspondent Filipina-Korean resident Jia Etulle na prayoridad sa bigyang exit repatriation ang katulad nila na foreign workers na nagsilbing dual citizens at mga Pinay na nakagpag-asawa na rin ng mga Koryano.
Sinabi ni Jia na mga ibinigay ng mga particularrrrr emergency lines na mabilis ma-contact kung kinakailangan para makapunta sa lugar na naka-posisyon ang mga kawani ng Philippine Embassy para sa pag-uwi ng bansa.
Magugunitang hindi pa ligtas ang pananatili ni South Korean President Yoon Suk-yeol sa posisyon nasa military headquadters pa ito namalagi at hindi sa Blue House dahil patuloy na tina-trabaho ang impeachment complaint laban sa kanyang pamumuno.